Top 6 most wanted sa Metro Manila, timbog

MANILA, Philippines — Napasakamay na ng pulisya ang itinuturing na Top 6 Most Wanted person sa Metro Manila makaraang matunton ang kanyang pinagtataguan sa Cainta, Rizal.

Isinilbi ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang warrant of arrest laban sa suspect na si Pio Cinco Marteja, 27, nahaharap sa kasong murder.
Nadakip ang suspek sa kaniyang pinagtataguan sa Block 1 Floodway, Cainta, Rizal dakong alas-8 nitong Linggo ng gabi. Nakaditine siya ngayon sa Sta. Ana Police Station Custodial Facility, habang hinihintayang commitment order mula sa korte.

Samantala, iniulat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sa magkakahiwalay na operasyon sa loob ng 24 na oras, nadakip ng pulisya ang apat pang na wanted na indibidwal sa paggalugad sa Metro Manila.

Show comments