^

Metro

Siklista nagulungan ng oil tanker, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Siklista nagulungan ng oil tanker, patay
Dead-on-the-spot ang biktimang si Elmar Usacdin, 58, ng Brgy. Manresa, habang arestado naman ang driver ng oil tanker na si Jesus Diamante, 43, ng Brgy. Pinagkaisang Nayon, QC.

MANILA, Philippines — Isang siklista ang nasawi nang mabundol at masagasaan pa ng isang oil tanker sa Quezon City, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Elmar Usacdin, 58, ng Brgy. Manresa, habang arestado naman ang driver ng oil tanker na si Jesus Diamante, 43, ng Brgy. Pinagkaisang Nayon, QC.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4, dakong alas-12:15 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa panulukan ng Araneta Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, maki­kita ang oil tanker na dahan-dahang lumiliko sa Araneta Avenue, mula sa Quezon Avenue, Brgy. Tatalon, nang mahagip nito at mabundol ang nagbibisikletang biktima.

Nakaladkad at nagulungan pa ng oil tanker ang biktima na kaagad na binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Hinabol naman ng mga rider ang suspek upang ipa­batid na may nadisgras­ya ito.

Ayon sa driver ng oil tanker, galing siya ng Bataan at magde-deliber sana ng langis sa isang gasolinahan sa Quezon City nang maganap ang aksidente.

Anang suspek, hindi raw niya nakita ang siklista kaya niya ito nabundol.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa reklamong reckless imprudence resul­ting in damage to property with homicide sa piskalya.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with