^

Metro

P1.8 milyong vape, nilimas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilimas ng mga hindi pa nakikilalang suspects ang tinatayang P1.8 milyong halaga na paninda ng isang vape shop sa Sta. Ana, Maynila ka­makalawa ng umaga.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District (MPD), dakong alas-11:01 ng Linggo ng umaga nang matuklasan ang pagnanakaw sa Lets Vape Pare na nasa ikalawang palapag ng Harmonic Seven Building, 2543 Tejeron St., Brgy. 782, Sta. Ana, Manila.

Sa salaysay ni Mark Anthony Bueno, 26, store attendant, binabantayan niya ang vape shop nang pumasok ang limang lalaki at isang babae na nagpanggap na mga kustomer. Biglang naglabas ng baril ang mga suspek, na nagpakilalang NBI agent at sinabihan si Bueno na kukumpiskahin nila ang lahat ng laman ng tindahan.

Dito nilimas ng mga salarin ang laman ng tindahan kabilang ang libo-libong mga vape products, flavor juices, at maging pera na P21,080 para sa kabuuang ha­laga na P1,884,730.00. Umalis ang mga salarin kasama si Bueno sakay ng isang Toyota Innova at ibinaba ang store attendant pagsapit ng Ba­lintawak, Quezon City.

Agad na iniulat ni Bueno ang panghoholdap sa may-ari ng vape shop na siyang mga nag-ulat sa pulisya.  
Nagsasagawa naman ng follow-up operation at backtracking ng mga CCTV footages ang mga tauhan ng Dagonoy Police Community Precinct, MPD-Follow-up Unit at Intelligence Unit para sa posibleng pagkakadakip sa mga suspek.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with