300K PUVs lalahok sa tigil-pasada sabay sa SONA
Kasado sa 9 na rehiyon
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Manibela president Mar Valbuena na idaraos nila ang 3-araw na transport strike sa siyam na rehiyon sa bansa kung saan inaasahang aabot mula 200,000 hanggang 300,000 public utility vehicles (PUVs) ang maaaring makilahok dito.
Sa isang panayam, sinabi ni Valbuena na ang tigil-pasada na idaraos nila ay isasagawa sa siyam na rehiyon sa bansa, kabilang ang Metro Manila.
Idaraos aniya nila ito simula sa Hulyo 24, na siyang petsa nang pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., at magtatagal hanggang sa Hulyo 26.
Una nang sinabi nito na ang tigil-pasada ay bunsod sa kawalan ng urgency ng pamahalaan na aksiyunan ang kanilang mga hinaing sa isinusulong nitong PUV modernization program.
- Latest