Kapitana ng Malabon inaresto sa ambush-slay sa ex-barangay chief

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones ang suspect na si incumbent Brgy. Tonsuya, Malabon Chairwoman Jennifer Loquez, 45, na tinukoy ng testigo na siyang mastermind sa pagpatay kay dating  Brgy. Chairman Felimon “Pilo” Villanueva, 68.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang brgy. chairwoman na ­itinurong nasa likod at utak sa ambush-slay sa dating brgy. chairman ng Malabon City noong nakalipas na Mayo ng taong ito, ayon sa Northern Police District (NPD) nitong Huwebes.

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones ang suspect na si incumbent Brgy. Tonsuya, Malabon Chairwoman Jennifer Loquez, 45, na tinukoy ng testigo na siyang mastermind sa pagpatay kay dating  Brgy. Chairman Felimon “Pilo” Villanueva, 68.

Sinabi ni Peñones na ang suspect ay inaresto bandang alas-11:50 ng umaga sa kahabaan ng Sanciangco Street, Brgy. Catmon ng lungsod.

Sa pahayag naman ni Daro, kinumpirma nito na ang suspect ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte matapos lumitaw sa imbestigasyon na ito ang utak sa pagpatay kay Villanueva.

Si Loquez ay isinailalim na sa kustodya ng Malabon City Police at inimpormahan na rin si Judge Josie Rodil ng Regional Trial Court (RTC) Branch 293 sa pagkakaaresto sa target.

Magugunita na si Villanueva ay nakaupo sa harapan ng tahanan nito sa naturang siyudad noong Mayo 28 nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na binawian ng buhay sanhi ng kumplikasyon matapos na operahan sa tiyan sa tinamo nitong mga tama ng bala.

Samantalang dahilan si Loquez ang Number 1 sa mga Kagawad ay awtomatikong ito ang humalili sa puwesto sa nasawing si Villanueva.

Show comments