^

Metro

Suspek na may 28 kaso ng pagnanakaw, timbog sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspek na may 28 kaso ng pagnanakaw, timbog sa Pasay
Kinilala ang akusadong si Rommel Ilagan, 53, liason officer/messenger/driver, na residente ng Unit 203, Building 3, MHR Building, Mangahan, Pasig City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Timbog ang isang most wanted person ng Pasay City na sangkot sa 28 counts ng qualified theft, sa Mall of Asia (MOA),  Sabado ng gabi.

Kinilala ang akusadong si Rommel Ilagan, 53, liason officer/messenger/driver, na residente ng Unit 203, Building 3, MHR Building, Mangahan, Pasig City.

Sa ulat, dakong alas 9:50 ng gabi ng Nob­yembre 27, 2022 nang masakote ang akusado sa isinagawang One Time Big Time (OTBT) operation  ng mga tauhan ng Pasay City Police Station-Sub-Station 4, sa Y Tower, MOA Complex, Brgy. 76, Pasay City.

Sa pangunguna ni P/Major Jonar Cardozo ng Sub-Station 4 at ng Warrant Section ay natunton ang akusado.

Nabatid sa ginamit na warrant of arrest na si Ilagan ay may kasong 28 counts ng Qualified theft through Falsification of Commercial Documents.

Inisyu ang warrant of arrest ni Judge Elisa  Sarmiento, Presiding Judge ng Branch 71, Pasig City na may Criminal Case No. 152628-55 at may petsang November 24, 2014 at piyansang P900,000.00.

Isa sa mga biktima ng akusado ay ang aktor, television host na si Casey Wyatt o mas kilala bilang KC Montero, na ginagamit umano ang kaniyang pirma sa mga transaksyon ng akusado upang manloko at makakolekta ng pera sa mga target na nabibiktima.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with