^

Metro

150 trabaho binuksan ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit sa 150 posisyon ang nakabukas ngayon sa Bureau of Immigration (BI) para sa mga kuwalipikadong Pilipino sa dalawang araw na ‘hiring’ ng ahensya umpisa kahapon.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman G. Tansingco na iha-hire nila ang nasa 147 immigration officers at 28 administrative aids na itatalaga sa iba’t ibang pangunahing ports at tanggapan nito sa buong bansa.
Ang dagdag na mga tauhan ay bahagi umano sa pagtitiyak ng BI na mapataas ang kalidad ng kanilang serbisyo para sa mga biyahero, lalo na at pagbalik na ang Pilipinas sa recovery.

Para sa mga mag-aaplay bilang immigration officers, kailangang tapos sa anumang kurso sa kolehiyo at may 2nd level eligibility buhat sa Civil Service Commission (CSC).

Mas maluwag naman sa administrative aides na kailangang nakakuha ng 72 units sa kolehiyo at may 1st level CSC eligibility.

Sa kabila nito, sinabi ni Tansingco na sasalain nilang mabuti ang mga aplikante sa ilang pagsusulit at panayam para matira lamang ang pinakamahuhusay na magiging bagong breed ng immigration officers.

Sa mga interesado, maaarig magsumite ng kanilang aplikasyon sa BI career portal sa pagtungo sa careers.immigration.govph bago sumapit ang Setyembre 30.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with