^

Metro

MMDA naka-red alert, number coding suspendido

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA naka-red alert, number coding suspendido
he Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) will reimplement their number coding scheme in the morning, from 7 a.m. to 10 a.m., starting Aug. 15 to help decongest traffic along EDSA during rush hour.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines —  Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded number coding, habang nakataas naman sa red alert status ang kanilang pamunuan bilang paghahanda sa epekto ng Super Typhoon Karding.

Nakaantabay si MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III sa sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa Metrobase sa gitna ng sama ng panahon upang matiyak na gumagana ang lahat ng CCTV.

Ayon kay Dimayuga, nakahanda ang ahensya na magtalaga ng mga frontline personnel at emergency vehicles para tulungan ang publiko sa pagsisimula ng bagyo sa National Capital Region (NCR).

Dagdag pa niya, ang mga tauhan na ito ay may dalang kagamitan para sa Water Rescue, Search, Rescue, and Retrieval (SRR), at 78 Water Purifiers.

Tiniyak din niya na lahat ng 71 pumping station sa Metro Manila ay 100% operational para mabawasan ang pagbaha.

Sa ilalim ng red alert, magpapatupad ang ahensya ng “no day off, no leave” policy para sa mga frontline personnel nito lalo na sa mga tauhan sa emergency response.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with