Libu-libong government workers, nakinabang sa libreng sakay

Heavy traffic of commuters pass through the walkway connecting the Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 in Recto, Manila on Aug. 24, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Libu-libong mga government employees ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa railway lines kahapon kasabay sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service anniversary sa bansa.

Bilang pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikas­yon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa, libre ang pagsakay kahapon sa mga tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-2 (LRT-2) at  Philippine National Railways.

Ang free ride sa MRT-3 at LRT-2, ay nagsimula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at naulit at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, ang pagsakay sa tren ng PNR  ay libre sa buong araw mula sa una at huling biyahe  sa lahat ng operational routes nito.

Show comments