^

Metro

Maynilad lumikha ng 397K jobs mula 2007

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumikha ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng may 397,000 trabaho mula nang maisapribado ang kompanya noong taong 2007.

 Bunsod nito,  gumastos ang kompanya ng may ?134 bilyong pondo para palitan ng bago ang mga lumang tubo ng tubig, pag-upgrade ng water facilities, pagtatayo ng se­wage at septage treatment plants, at pag develop ng alternatibong  raw water sources at iba pang  capital expenditure (Capex) projects.

Ang mga empleyadong nabigyan ng trabaho ay kabibilangan din ng mga na-hire ng mga contractors at suppliers na nakakontrata sa Maynilad  bilang major client.

Ngayong 2022, inaasahang gagastos ang Maynilad ng may ?13 bilyon hanggang ?16 bilyon para sa kanilang Capex projects kasama na dito ang pagtatayo ng bagong treatment plants, paglalagay ng bagong pipelines, rehabilitasyon at pag-upgrade ng mga pasilidad at  reinforcement works para sa  climate change adaptation initiatives.

“Notwithstanding the effects of the pandemic on our operations, we continue to implement the infrastructure projects that create job opportunities, as well as sustain the water services that stimulate the economy,” pahayag ni  Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez.

 

JOB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with