^

Metro

2 HVI huli sa P6.9 milyon shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 HVI huli sa P6.9 milyon shabu
Kinilala ni P/Lt. Col. Renato Castillo, Chief ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) ang naarestong mga suspect na sina Jeoffrey Cardinez, alyas Jeff, 44 at John Michael Raco, 21, kapwa ng General Tirona Street, Brgy. 144 Bagong Barrio ng nasabing siyudad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umiskor ang anti-drug operatives ng pulisya matapos masakote ang dalawang kabilang sa High Value Individual (HVI) na nakumpiskahan ng mahigit P6.9 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Renato Castillo, Chief ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) ang naarestong mga suspect na sina Jeoffrey Cardinez, alyas Jeff, 44 at John Michael Raco, 21, kapwa ng General Tirona Street, Brgy. 144 Bagong Barrio ng nasabing siyudad.

Sa report ni Castillo kay NPD Director P/Brig. Gen. Ulysses Cruz, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Senior Master Sgt. Michael Tagubilin ng buy-bust operation sa Langit Road Corner Crusher St., Brgy. 176 laban sa mga target na suspect.

Isang undercover operative ang nagawang maki­pagtransaksyon sa mga suspect ng P36,000 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang droga ay nagsilbing hudyat ito upang arestuhin ang suspect.

Hindi na nakapalag ang mga suspect na nakumpiskahan ng 11 pirasong knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 1,025 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,970,000.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspect ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with