^

Metro

Lalaki nahulog mula ika-4 palapag ng Malacañang compound, patay

Philstar.com
Lalaki nahulog mula ika-4 palapag ng Malacañang compound, patay
Video grab kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ika-14 ng Hulyo, 2022, habang nagtatalumpati sa isang press briefing
Video grab mula sa Facebook page ng Radio Television Malacañang - RTVM

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na isang administrative aide ang binawian ng buhay matapos diumano malaglag mula sa ikaapat na palapag sa loob ng compound ng Malacañang.

Ito ang kinumpirma ni Cruz-Angeles sa isang press briefing kasama ang Malacañang Press Corps, Huwebes.

"Ikinalulungkot namin i-announce na si Mr. Mario Castro, isang administrative aide, na naka-assign sa Information Communications Technology Office under the Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting ay namatay kaninang umaga, apparently from a fall from the fourth floor of Mabini Hall," wika niya.

"Ito po ay nasa loob ng Malacanang Compound."

Kasalukuyang ibiimbestigahan ang pagkamatay ni Castro.

Nakikipag-ugnayan naman na raw ang Presidential Security Group at ang Philippine National Police Security Force Unit hinggil sa insidente.

"May naiwang asawa at mga anak si Mr. Castro. Kami po ay nakikiramay sa kanyang pamilya," dagdag pa ni Cruz-Angeles. — James Relativo

MALACANANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with