^

Metro

Libreng sakay ng MRT-3, pinalawig uli!  

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libreng sakay ng MRT-3, pinalawig uli!    
Sa isang virtual press brie­fing kahapon, sinabi ni MRT-3 general manager Michael Capati na patuloy na mae-enjoy ng kanilang mga pasahero ang libreng sakay hanggang sa Hunyo 30, 2022 matapos na magpasya ang Department of Transportation (DOTr) na palawigin ang naturang programa ng isa pang buwan.
The STAR/Michael Varcas, File

Hanggang June 30

MANILA, Philippines — Magandang balita!

Muling pinalawig pa ng isang buwan ang free ride program ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa isang virtual press brie­fing kahapon, sinabi ni MRT-3 general manager Michael Capati na patuloy na mae-enjoy ng kanilang mga pasahero ang libreng sakay hanggang sa Hunyo 30, 2022 matapos na magpasya ang Department of Transportation (DOTr) na palawigin ang naturang programa ng isa pang buwan.

Ayon kay Capati, maaaring i-avail ng publiko ang libreng sakay anumang oras sa buong panahon ng operating hours nila, na mula alas-4:40 ng madaling araw hanggang alas-10:10 ng gabi.

Matatandaang unang ipinasya nina Pangulong ­Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade na pagkalooban ng libreng sakay ang publiko noong Marso 28 hanggang Abril 30 bilang selebrasyon sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng naturang rail line.

Malaunan ay nagpasya ang pamahalaan na i-extend pa ang libreng sakay ng hanggang Mayo 30 bilang tulong na rin sa publiko, sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi naman ni Capati na ang panibagong 1-month extension sa kanilang free ride program ay naglalayong patuloy na matulungan ang mga commuters sa kanilang problemang pinansiyal na dulot ng implasyon at pagtaas ng mga presyo ng krudo.

Dagdag pa niya, “This will allow the MRT3 to further test its capacity and performance in accommodating up to or more than 350,000 passengers.”

Iniulat rin ni Capati na umaabot na sa halos 16 mil­yon ang naitala nilang total ridership mula nang ipatupad ang libreng sakay noong Marso 28 hanggang Mayo 24, o may average weekly ridership na 315,334.

Naitala aniya ang pinakamataas na ridership ng MRT-3 noong Mayo 20, 2022, sa bilang na 351,592.

Sa pagtaya naman ni Capati, aabot sa P286 milyon ang kanilang estimated foregone revenues mula Marso 28 hanggang Mayo 24.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with