^

Metro

MRT may libreng sakay sa mga kababaihan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Ngayong National Women’s Day

MANILA, Philippines — May handog na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihang pasahero ngayong Martes, March 8 kaugnay ng pagdiriwang  ng National Women’s Day.

Libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero simula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon kay MRT-3 OIC-Ge­neral Manager Asec. Eymard D. Eje, ang libreng sakay para sa mga kababaihan ay pagkilala sa kanilang natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa lipunan.

“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino,” ani Asec. Eje.

Sinabi ni Eje na sa simpleng paraan tulad ng libreng sakay ay makapaghatid ang ahensya ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with