^

Metro

Most wanted ng DILG, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Most wanted ng DILG, arestado
Si Alfredo Paguirigan Yu Jr. ang nadakip, dakong alas-9:15 ng gabi noong Biyernes sa Brgy. Santo Antonio,Biñan City.
File Photo

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng Pasay City Police Station ang isang most wanted person ng Department of Interior and Local Government (DILG) na miyembro ng ‘Asislo Crime Group’sa isinagawang operasyon sa Biñan City, nitong Biyernes.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang nadakip na si Alfredo Paguirigan Yu Jr.

Si Yu ang nadakip, dakong alas-9:15 ng gabi noong Biyernes sa Brgy. Santo Antonio,Biñan City.

Nadakip si Yu sa bisa ng  warrant of arrest na isinilbi sa kanya sa kasong murder ni  Judge Caroline S. Rojas Jaucian, Presiding Judge, Branch 26, Regional Trial Court, San Fernando City, La Union.

Akusado si Yu sa pagpatay sa isang Jonathan A Casuga  noong Enero 16, 2016 na naganap sa Ortega St., Brgy. 2, San Fernando City, La Union.

Ang ‘Asislo Group’ na kinaaniban umano ni Yu ay sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga at gun-for-hire activities na pinamumunuan ng isang Bendot Asislo  na nakabase sa San Gabriel, La Union.

Responsable umano ang grupo sa  pagbibiyahe ng malakihang bulto ng marijuana na nagmumula sa tri-boundaries ng La Union-Benguet at Ilocos Sur.

Base sa DILG Memorandum Circular No,. 2021-022 na may petsang Pebrero 24, 2021, si Yu ay may patong sa ulo na P140,000 sa pagkaka-aresto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with