^

Metro

ECQ extension sa NCR Plus, suportado ng OCTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ECQ extension sa NCR Plus, suportado ng OCTA
Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco, ng OCTA Research Team, kailangan natin ng time-out upang ma-refresh ang isinasagawang contact tracing at makapagtayo rin ng mga bagong isolation at quarantine facilities para sa mga pasyente.
Release / Department of Public Works and Highways

MANILA, Philippines — Suportado ng OCTA Research Expert ang panawagang palawigin pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) na umiiral ngayon sa NCR Plus, na nakakasakop sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna, upang masawata ang patuloy na pagdami pa ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco, ng OCTA Research Team, kailangan natin ng time-out upang ma-refresh ang isinasagawang contact tracing at makapagtayo rin ng mga bagong isolation at quarantine facilities para sa mga pasyente.

“We need a timeout to refresh our contact tracing [and] to build new isolation and quarantine facilities. This will allow us to exit the lockdown with decreasing but still high numbers that we can manage properly without risking another surge,” paliwanag ni Austriaco.

Kakailanganin pa rin ­aniya ng isa pang linggong paghihigpit upang makita ang full effect ng panibagong ECQ sa case count at health-care utilization rate ng bansa.

Matatandaang isinailalim ang NCR Plus sa loob ng isang linggong ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4, ngunit inirekomenda na ng Department of Health (DOH) at iba pang grupo na ma-extend ito ng isa pang linggo dahil hindi anila sapat ang naturang panahon para mapanatili ang downward trend ng COVID-19 cases. Suportado din ito ng IATF.

Sa ngayon ay patuloy pa din ang pagdami ng CO­VID-19 cases kaya’t nasa critical level na ang CO­VID-19 bed occupancy rate ng mga pagamutan sa NCR Plus at unti-unti na ring nai-stress ang health care system nito.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with