^

Metro

LTO official todas sa ambush sa Quezon City

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
LTO official todas sa ambush sa Quezon City
Ang bag na naglalaman ng OR/CR ng motorsiklong gamit ng suspek na nahulog sa kanyang pagtakas habang sa kanan ang tama ng bala sa sasakyan ni LTO Registration Division chief Mercedita Gutierrez.
QCPD PIO

Quezon City Police District bumuo ng SITG ‘Gutierrez’

MANILA, Philippines (Updated May 29, 2024; 1:55 p.m.) — Patay ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang sasakyan nito kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dalawang tama ng bala ng caliber .45 na baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Mercedita Eusebio Gutierrez, 64, hepe ng Re­gistration Division (LTO Main Office).     

Batay sa investigation report na isinumite nina PMSg Alvin G Quisum­bing at  PCpl Jojo A Antonio kina PCpt. Reynandy Tagle, hepe ng Homicide Section at Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) chief PMajor Dondon Llapitan, nangyari ang pananambang dakong alas-6:20 ng gabi sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na biglang sumulpot ang nag-iisang gunman at binaril ng dalawang beses ang sasakyan ng biktima na isang Hyundai Starex van na may plakang NBO 303. Lumusot ang bala sa sasakyan at tinamaan si Gutierrez.

Tama sa ilong na lumusot sa batok at kanang braso ang tinamo ni Gutierrez. Idineklara itong dead- on-arrival sa East ­Avenue Medical Center (EAMC).

Ayon sa testimonya ng saksi, binangga pa ng suspek ang sasak­yan ng biktima tsaka mabilis na tumakas patungong V. Luna Road.

Sa pagtakas ng suspek, nahulog nito ang isang bag na nag­lalaman ng photocopy ng OR/CR ng motorsiklo na nakapangalan sa isang Daniel Oloroso.

Samantala, agad na inutos ni QCPD Director, PBGen. Redrico A Maranan ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na magsasagawa ng  masusing imbestigas­yon sa pamamaslang kay  Gutierrez.

Nabatid sa testimonya ng saksi, nakasuot ng gray long sleeve at scarf ang suspek na sakay ng kulay asul na Honda click motorcycle na walang plate number.

Ayon kay Maranan ang SITG “GUTIERREZ” ay pamumunuan ni PCol. Amante B Daro, Acting Deputy District Director for Operations (ADDO), upang matukoy ang motibo ng pamamaslang at suspek na magresulta sa pag-aresto dito.

Dagdag pa ni Maranan, hihimaymayin ng SITG “GUTIERREZ” ang lahat ng impormas­yon na posibleng maka­tulong sa kaso.

“Our prayers and sympathy to the bereaved family of the victim. The QCPD will not stop pursuing the suspect and we will make sure that justice will be served,” dagdag pa ni Maranan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with