^

Metro

Pulis na humarang, nagbanta sa Joyride rider, 1 pa inaresto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis na humarang, nagbanta sa Joyride rider, 1 pa inaresto
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico Maranan ang suspek na si PCpt. Elario Loyosen Wanawan, 46, nakatalaga sa District Mobile Force Battalion (DMFB), tubong Cagayan Valley at residente ng Lot1 Block 4, Villa Reform Phase 1, Barangay 167, Caloocan City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang pulis makaraang ireklamo ng  pananakot ng  isang Joyride rider at angkas nito kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico Maranan ang suspek na si PCpt. Elario Loyosen Wanawan, 46, nakatalaga sa District Mobile Force Battalion (DMFB), tubong Cagayan Valley at residente ng Lot1 Block 4, Villa Reform Phase 1, Barangay 167, Caloocan City.

Sa pahayag ng mga complainant na sina Celso Aclan Banaira, 48, Joyride rider at Patricia Tagorda Respall, 23, meat checker,  nangyari ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw sa Miller St., Brgy. Bungad, ­Quezon City.

Sa pagsisiyasat ni PMSG Guillermo P Esteban Jr. ng Ma­sambong Police Station (PS-2, QCPD), lumilitaw na binabaybay ng mga complainants ang Miller St. sakay ng Honda Click 160 na may  plakang UNW 372 nang  biglang harangin ng  lasing na si Wanawan na sakay ng kayang Yamaha SZ.

Pinababa ng pulis ang dalawa at inutusan  si Banaira na buksan ang compartment ng  motor na hindi naman sinunod ng huli.

Nagalit ang pulis at sinabihan si Banaira ng “BABARILIN KITA!! BUKSAN MO IYAN!!” habang nakahawak sa kanyang beywang na kinalalagyan ng  baril.

Muling  sinuway ni Banaira ang sinabi ng pulis kaya muling nagsalita ang huli ng “PULIS AKO!! BUKSAN MO IYAN, BABARILIN KITA!!”.

Dahil sa takot, napilitan si Banaira na buksan ang compartment subalit hindi pa rin sila pinaalis ng pulis.

Ilang motorista lamang ang nakapansin sa komosyon  kaya  nakahingi ng  saklolo   ang mga complainants sa  barangay.

Agad na binitbit  nina PMSG Johnny Tabuyo at Pat Arjhay Jotojot si Wanawan at dinala sa QCPD Forensic Unit-Kamuning  para sa alcohol breath examination.

Sasampahan ng kasong threat ang  pulis sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with