^

Metro

May solusyon sa korapsiyon-Mayor Vico

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng kumpiyansa si Pasig Mayor Vico Sotto na kahit na matagal nang problema ng bansa, ay makaka­yanan pa rin ng mga Pinoy na masolusyunan at matuldukan ang korapsiyon.

Kasunod ito ng tila pagdududa ng isang netizen kung makakaya nga ba ni Sotto na labanan ang naturang problema, na anito ay matagal nang problema ng Pilipinas, hindi pa man ipinapanganak ang alkalde.

Nauna rito, sa isang tweet ay nagpasalamat si Sotto dahil sa ginawang pagkilala sa kanya ng U.S. Department of State bilang “Anticorruption Champion.”

Nagkomento naman dito ang netizen at sinabing, “Di ka pa pinanganganak iho, iyan na ang problema sa Pilipinas!”

Hindi naman ito pinalampas ng alkalde at sinabing maging ang naturang netizen ay ‘di pa rin ipinapanganak ay problema na ang korapsiyon sa bansa.

Nanindigan din ang alkalde na kung sama-sama ang mga Pinoy at lalabanan ang korapsiyon ay darating din ang pagbabago kahit paunti-unti.

vuukle comment

ALKALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with