^
âMisencounterâ ng PNP at PDEA:  4  patay, 3 sugatan
Ang mga kinumpiskang baril sa PDEA agents matapos ang isinagawang clearing sa parking area ng isang mall sa Commonwealth Avenue sa Brgy. Batasan sa Quezon City kung saan naganap ang shootout sa pagitan ng PDEA at QC police.
Boy Santos

‘Misencounter’ ng PNP at PDEA: 4 patay, 3 sugatan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang  agent at isang civilian informant ng Phi­lippine Drug Enforcement  Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ayon kay National Capital Region Office chief,  Maj. Gen. Vicente Danao Jr. nakakalungkot na nagkaroon ng misencounter  na ang layunin ay sugpuin ang bentahan ng illegal drugs sa bansa.

Lumilitaw na alas-5:45 ng hapon nang maganap ang ‘armed encounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng QCPD at PDEA sa parking lot ng  isang fastfood chain sa Commonwealth Ave.

Sinabi ni Danao na walang ideya ang  PNP na ang kanilang katransaksiyon ay  PDEA agents.

“Kung sino ‘yung nag buy-bust, sino yung ka buy-bust, ‘yun pa yung iniimbestigahan natin, ” ani Danao .

Kapwa nagsasabi ang dalawang ahensya na kumpleto ang kanilang mga koordinasyon pero nangyari pa rin ang shootout.

Papasok rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabigyang-linaw ang mga pangyayari.

Hindi umano maaapektuhan ang imbestigasyon ng NBI sa ginagawa ring imbestigasyon ng PDEA at PNP.

Nakilala ang dalawang nasawing pulis na    sina PCpl Lauro de Guzman at PCpl Galvin Eric Garado, kapwa nakatalaga sa District Special Operations Group (DSOU) ng ­Quezon City Police District (QCPD) habang hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng ikatlong namatay na isang PDEA agent.

Alas-5:45 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking area ng isang kilalang fastfood chain, sa tabi ng mall na matatagpuan sa Commonwealth ­Avenue, Brgy. Batasan Hills.

Samantala, sinisilip ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na posibleng ang mga drug syndicate ang sumabotahe at kumilos kaya nagkaroon ng misencounter ang grupo ng Quezon City police at ng una. Ayon kay PDEA director Wilkins Villanueva na bagama’t hindi pa sila makapagbibigay ng impormasyon dahil sa patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na kanilang isinasagawa, tinitignan nila ang anggulo nang pananabotahe, napaglaruan ng sindikato  o pwede rin naman na kapabayaan kaya naganap ang barilan.

Kaugnay nito, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyaring barilan.

Ayon kay Presidential Spokesperson ­Harry Roque, nalungkot ang Pangulo matapos malaman ang nangyari at nangako na magkakaroon nang “masinsinang” imbestigasyon.

Kapwa rin nagpahayag ang Senado at Kamara na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa nangyaring barilan na sinasabing ‘misincounter’ sa pagitan ng dalawang law enforcement unit.— Danilo Garcia, Mer Layson, Malou Escudero, Gemma Garcia at Joy Cantos

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with