_ngayon
^

Metro

Cinema workers sa Maynila, ililibre sa swab test

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Cinema workers sa Maynila, ililibre sa swab test
Sinabi ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa naganap na pulong sa mga mall ma­nagers kaugnay sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force-Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) na ibalik operasyon ang mga tradisyunal na sinehan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — ‘Hindi ko bubuksan ang cinema hangga’t hindi nate-test ang workers.’

Sinabi ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa naganap na pulong sa mga mall ma­nagers kaugnay sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force-Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) na ibalik operasyon ang mga tradisyunal na sinehan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Kasabay nito, inalok ni Moreno ang libreng swab test sa mga manggagawa ng sinehan at sa nagtitinda sa snack bar sa labas ng sinehan.

Nais ng alkalde na bilang paghahanda, dapat walang manggagawa na papasok kung hindi pa nasusuri at nagne-negatibo sa COVID-19.

Hiniling din ni Moreno sa mall managers na ilatag ang preparasyon bilang pagtalima sa health protocols ng pamahalaan.

 Kabilang sa mga dapat sumalang sa libreng swab test sa Manila Health Department ay mga janitor, guwardiya, tellers, ushers porters, ticket tellers at mga attendant sa snack bar.

 Sa kabila ng maaring magdulot ng pagdami ng tao sa public areas ang pagbubukas ng mga sinehan, bukas naman siya sa ideya na makadaragdag ito sa kita ng mga negosyo na matinding naapektuhan ng pandemya.

Nangako naman ang SM mall managers na mahigpit ang ipatutupad na physical distancing o “two-seat-apart arrangement’ habang ang Robinsons Malls ay magpapatupad ng “one-seat-apart arrangement, habang ang Lucky Chinatown managers na dalawa lang sa apat na sinehan ang ibabalik sa operasyon.

Hindi rin mawawala ang normal protocols na “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy.

Pansamantalang hindi ipinatupad ang dapat sana’y pagbubukas ng mga sinehan kahapon habang inihahanda pa ang mga panuntunan ng local government units (LGUs).

 

CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with