Mga bata papayagan nang pumasok sa malls basta may ordinansa ng LGUs
Ayon ito kay Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año, gayunman sinabi nitong magpapalabas pa ng ordinansa ang mga mayors sa NCR tungkol sa nasabing kautusan.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

Mga bata papayagan nang pumasok sa malls basta may ordinansa ng LGUs

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Papayagan nang pumasok sa mga malls ang mga menor-de-edad o mga bata sa National Capital Region at mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine,kung maglalabas ng resolusyon ang mga local gov’t. units.

Ayon ito kay Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año, gayunman sinabi nitong magpapalabas pa ng ordinansa ang mga mayors sa NCR tungkol sa nasabing kautusan.

“Ito po ay pagtitibayin sa mga ordinansa ng ating mga NCR mayors sa lugar po ng GCQ,” dagdag ni Año.

Ang hakbang ayon kay Año ay para na rin sa pagdiriwang  ng Kapaskuhan at dahil na rin sa dahan-dahang pagpapalawak ng age group na maaaring lumabas ng tahanan.

Pero agad ding nilinaw ni Año na dapat ay kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang sa pagpunta sa malls.

“Para na rin po sa Kapaskuhan ay doon po sa pinag-utos natin na puwede ng gradual expansion ng mga age group para makalabas, ang mga minors po basta accompanied ng mga magulang ay papayagang makalabas at makapunta sa mall,” ani Año.

Matatandaan na unang niluwagan ng Inter-Agency Task Force (IATF)  on Emerging Infectious Diseases ang edad ng mga maaring lumabas ng tahanan noong Oktubre.

Sa ika-79 resolusyon ng IATF, pinayagan nang lumabas ang mga edad 15 hanggang 65 taong gulang.

Iba naman ang naging pahayag dito ni  National Capital Regional Police Office chief, P/Brig. Vicente Danao na nagsabing bawal pa rin umano na lumabas ng bahay at pumasok sa mga malls ang mga menor-de-edad sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine at mga authorized persons outside homes (APOR) at essential wor­kers lamang ang maaaring lumabas at papasukin.

Aniya, makikipag-usap sila sa mga mall ma­nagers upang higpitan ang kanilang pagbabantay upang hindi papasukin ang mga menor-de-edad na inaasahang dadagsa  upang mamili.

Paliwanag ni  Danao,  anumang oras ay  maaa­ring kumalat at makahawa ang mga nasa lansa­ngan at pamilihan na maaaring magdulot muli ng  pagtaas ng  bilang ng tinamaan ng virus.

Matatandaang sinabi ni Dr. Tony Leachon, dating adviser ng pandemic task force ng pamahalaan na posibleng maging “superspreaders” ng COVID-19 ang mga bata kung papayagan itong makalabas ngayong holiday. — Mer Layson at Doris Franche at Danilo Garcia

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with