15-anyos binaril at napatay ng kapwa menor-de-edad
Ayon kay Manila Police District (MPD)-Homicide Section chief Captain Henry Navarro na ang biktima kasama ang tatlo pang kabataan na nasa edad-15 at 16 ay nagsasagawa ng pagpa-pot session sa ikatlong palapag ng isang bahay sa Kamias St, Brgy. 120. Sinasabing kinompronta ng mga suspect ang biktima dahil sa hindi nai-remit sa benta ng ilegal na droga,
STAR/ File
15-anyos binaril at napatay ng kapwa menor-de-edad
Rey Galupo (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Napagbentahan ng ilegal na droga, hindi raw ni-remit

MANILA, Philippines  — Isang 15-anyos na binatilyo ang binaril at napatay ng kapwa niya menor-de-edad habangnagsasagawa ang mga ito ng ‘pot session’ sa Tondo, Manila kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay  Manila Police District (MPD)-Homicide Section chief Captain Henry Navarro na ang biktima kasama ang tatlo pang kabataan na nasa edad-15 at 16 ay nagsasagawa ng pagpa-pot session sa ikatlong palapag ng isang bahay sa Kamias St, Brgy. 120. Sinasabing kinompronta ng mga suspect ang biktima dahil sa hindi nai-remit sa benta ng ilegal na droga,

Sa kasagsagan ng komprontasyon, isa sa mga suspect ang naglabas ng baril habang sinenyasan naman ito ng isa pang suspect na mistulang nagbigay ng go signal kung saan ang kasunod ay ang pagbaril sa biktima na nagtamo ng tama sa ulo.

Bago pa tuluyang tumakas narinig ang mga suspect na isinisigaw na nagpakamatay umano ang biktima.

Isang construction worker ang nakasaksi sa pangyayari ang humingi ng tulong saka dinala sa pagamutan ang biktima na nasawi rin habang ginagamot.

Nadakip na rin ang mismong bumaril matapos ang isinagawang follow up operation, habang pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan nito.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with