Pabahay sa mahihirap sa Maynila, kasado na
MANILA, Philippines — Makaraang makatanggap ng ‘zero grade’ mula sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program sa mga nakaraang taon, inaprubahan na ng Sangguniang Pangkonseho ng Maynila ang plano para mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap na pamilya na naninirahan sa mga ‘critical zones’.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na sa ilalim ng Local Shelter Plan, bibigyan ng disenteng pabahay na mas mura at kayang lumaban sa mga kalamidad ang mga mahihirap na maaari nilang ipagmalaki.
Nabatid na binuo ang plano makaraang tumanggap ang lungsod ng Maynila ng ‘zero grade’ mula sa Regio-nal Inter-Agency Committee ng Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program dahil sa kawalan ng planong pabahay ng umano’y nakaraan pang administrasyon.
“I, too, personally experienced being an informal settler in Tondo during my younger years. This has been my drive to provide a comfortable shelter to every Manileño,” paliwanag ni Moreno.
Sa ilalim ng plano, nasa 191.05 ektarya ng lupain ang planong i-develop sa mga ‘socialized housing projects’ mula 2020 hanggang 2025.
May tatlo nang proyekto na natapos ang Pamahalaang Lungsod kabilang ang Tondominium 1, Tondomi-nium 2 at Binondominium.
- Latest