3 parak kinuyog, 6 katao dinakip
Kabilang sa mga ­inaresto at sinampahan ng kasong Direct Assault sina Reymund Dreu, kapatid na sina Richard, 36 at Joshua, 24; Ro­berto Villas, 28; Mark Jovin Grajo, 29, at Edel Estibal, 26, habang nakatakas si Arwin Laruga.
STAR/ File
3 parak kinuyog, 6 katao dinakip
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Anim na kalalakihan ang dinakip matapos na kuyugin ang tatlong pulis na nagsasagawa ng imbestigasyon sa isang vehicular accident kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kabilang sa mga ­inaresto at sinampahan ng kasong Direct Assault sina Reymund Dreu,  kapatid na sina Richard, 36 at Joshua, 24; Ro­berto Villas, 28; Mark Jovin Grajo, 29, at Edel Estibal, 26, habang nakatakas si Arwin Laruga.

Lumabas sa imbestigasyon na pauwi na si P/Cpl. Jayvee Rommel Vicencio sakay ng kanyang motorsiklo nang madaanan niya sa harap ng Serenity Cemetery sa Congress Road, Brgy. 171 ang isang lala­king nakabulagta na bumangga sa pader ang minamanehong motorsiklo dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Huminto si Vicencio at tumawag sa Caloocan Traffic Management Unit para sa responde. Dito lumapit ang dalawang lasing na sina  Reymund Dreu, 30, ng Cefels Deparo 2 at Arwin Laruga ng Brgy. Camarin at sinita ang pulis kung bakit nakikialam.

Nagpakilala umanong pulis si Vicencio at sinabihan ang dalawa na huwag makialam na naging dahilan upang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Umalis sa lugar si Laruga nang dumating sina Cpl. Froilan Dela Rosa at Cpl. Dennis Michael Natividad, kapwa traffic investigators upang magsagawa ng pagsisiyasat subalit kaagad ding bumalik, kasama ang limang kalalakihan na sina Richard, Joshua; Roberto; Mark  at Edel.

Dito na kinuyog at pinagsusuntok ng mga kalalakihan ang tatlong pulis at dahil higit na marami ang mga kalalakihan, binunot ng mga pulis ang kanilang service firearm kaya’t napilitang umatras ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

SERENITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with