^

Metro

Traffic enforcer huli sa kotong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 55-anyos na traffic enforcer nang tanggapin ang P500 hiningi niya sa isang motorcycle rider na kinumpiska-han ng lisensiya, sa may Ayala Avenue Ex­tension, Brgy. San Antonio, Ma­kati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Fidelito Atienza, tauhan ng Public Safety Department ng Makati City Government o dating MAPSA.

Sa ulat ni Makati Police P/Major Tyrone Valenzona, dakong alas-12:00 ng hapon ng Hulyo 30 nang ares­tuhin sa entrapment operation ang suspek sa nasabing lugar sa aktong hawak nito ang ibinigay na pera ng complainant na si  Eduar­do Aquino, 40.

Ayon sa reklamo, alas-11:00 ng umaga ng araw ding iyon nang magtungo sa Makati City Police Station si Aquino matapos uma­nong kumpiskahin ang kanyang driver’s license ng suspek at nanghihingi ng P500 para hindi siya mais­yuhan ng violation ticket at maibalik ang lisensiya.

Binabagtas umano ng biktima ang kaha­baan ng Ayala Avenue, sa bahagi ng Brgy. San Antonio, Makati City, nang pahintuin siya ng suspek at kunin ang lisensiya at sinabihan umano na magbigay na lang upang makaiwas sa violation.

 

vuukle comment

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with