^

Water level sa Angat, nabawasan

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

BULACAN, Philippines  — Nabawasan ng bahagya ang water level sa Angat dam sa Bulacan.

Batay sa ulat ng hydrology Department ng PagAsa kahapon ng alas-6 ng umaga, umabot na sa 195.56 meters ang water level sa Angat dam, mas mababa ito sa  195.77 meters ng water level  alas- 6 ng umaga, noong Biyernes.

Gayunman, ayon sa PagAsa, wala naman itong epekto sa suplay ng tubig sa Metro Manila dahil kaya namang suplayan ng Angat dam ang kailangang suplay ng tubig   kayat walang dapat ipag -alala ang publiko hinggil dito.

Bahagyang bumaba ang water level sa Angat dam dahil sa patuloy na pag- init ng panahon ngayong summer season.

Kaugnay nito, bahagya ding nabawasan ang water level sa  Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dams pero ang suplay naman nito ay pawang gamit sa pagsasaka ng mga palay farmers.

Bahagya namang  tumaas ang water level sa  La Mesa at Magat Dam dahil sa paminsan minsang nararanasang pag-ulan sa may watershed ng naturang mga dam.

ANGAT DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with