Guidelines sa pagpasok at paglabas ng mga pampasaherong sasakyan sa Metro Manila-bubuuin ng LTFRB
MANILA, Philippines — Bubuo ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa mga dapat sundin at galaw ng mga pampasaherong sasakyan palabas at papasok ng Metro Manila.
Ito ay sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipairal ang limitasyon sa biyahe sa lupa, himpapawid, karagatan sa National Capital Region (NCR).
Sa viber statement ni Chairman Delgra, inatasan nito ang ahensiya na magbalangkas ng guidelines para dito.
Isang pulong ang ginawa ng LTFRB sa pagitan ng transport group para magkatulungan na maibsan ang paglaganap ng COVID- 19.
Kaugnay nito, sinabi ni Lando Marquez, Presidente ng Land Transport Organization of the Philippines, hindi muna papasada ang mga sasakyan na miyembro nila bilang hakbang ng samahan kontra NCOV.
Ilan sa paplansahin at lilinawin sa guidelines ang magiging patakaran sa pagpasok ng mga obrero na nagtatrabaho sa Metro Manila na nakatira sa mga probinsiya tulad ng Bulacan, Pampanga, Tarlac at Cavite ipa pang lugar sa Luzon.
- Latest