Batay sa report, naaresto ang mga dayuhan matapos mahu­ling nagbebenta sa bangketa at sinasamantala ang Christmas rush na walang kaukulang immigration visas o permit.
STAR/File
Bangketa sa Divisoria, sinakop ng mga Chinese
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi lamang West Philppine Sea ang sinasabing sinakop ng mga Chinese kundi maging ang bangketa sa Divisoria na nagresulta sa pagkaka-aresto sa 17 Chinese kamakalawa.

Batay sa report, naaresto ang mga dayuhan matapos mahu­ling nagbebenta sa bangketa at sinasamantala ang Christmas rush na walang kaukulang immigration visas o permit.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng mga Pinoy vendors na magkakasama sa lugar. 

Agad na ipinadala sa BI ang reklamo at naglabas ng mission order si BI Commissioner Jaime Morente para arestuhin ang mga dayuhan.

Sinabi naman ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. na target lamang nila ang isang indibidwal ngunit pagsapit sa lugar, inabutan nila ang 20 dayuhan na nagbebenta ng bawang, sibuyas at iba pang produkto sa sidewalk ng walang permit at hindi rin nagbabayad ng buwis.

Muli namang nagbabala si Morente sa mga illegal foreign vendors sa bansa na huwag tangkaing samantalahin ang holiday rush sa pamamagitan ng iligal na paraan.

Kailangan din aniyang tumugon sa batas  ang mga dayuhan upang makaiwas sa deportasyon.

Dinala na ang 17 Chinese nationals sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang nakabinbin ang kanilang deportation proceedings habang ni-release naman ang tatlo matapos magpakita ng katibayan na sila ay mga Philippine citizens.  

DIVISORIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with