âPalaboyâ tumalon sa riles ng MRT, patay
Inisyal na nakilala ang nasawi na si Mas-Ud Sandamoin, tinatayang nasa edad 21-anyos, tubong Marang, Sumisip, Basilan.
Michael Varcas/File
‘Palaboy’ tumalon sa riles ng MRT, patay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patay ang isang hinihinalang palaboy makaraang tumalon buhat sa riles ng Metro Rail Transit sa pagitan ng Ayala at Buendia sa Makati City kahapon ng hapon.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Mas-Ud Sandamoin, tinatayang nasa edad 21-anyos, tubong Marang, Sumisip, Basilan.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng hapon nang tuma­lon ang biktima buhat sa itaas ng southbound lane ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia Avenue Stations na may taas na 20 talampakan. 

Napilitan naman ang MRT-3 na limitahan ang kanilang operasyon mula North Avenue hanggang Shaw Blvd. station at naibalik sa normal pagsapit ng alas-2:47 ng hapon.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya upang matiyak na walang naganap na foul play sa insidente.

METRO RAIL TRANSIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with