Security forces ng UP, handang sanayin ng PNP

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na isalang sa pagsasanay ang mga miyembro ng security force ng University of the Philippines (UP) upang masugpo ang kriminalidad kabilang ang pagkalat ng illegal na droga sa campus ng unibersidad.

 Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde  na nakakatanggap sila ng impormasyon  na ang mga krimen sa UP Diliman sa Quezon City, UP Los Baños tulad ng mga kaso ng robbery, rape at iba pang uri ng petty crime ay hindi nairereport sa mga awtoridad.

 No less than the chairman of the Commission on Higher Education said that there are problems inside (UP Diliman), especially the proliferation of illegal drugs, pahayag ni Albayalde.

 Una nang inamin ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, dating UP professor na wala umanong kakayahan ang security forces  sa UP upang maresolba at matugunan ang mga nangyayaring krimen sa UP campuses.

 Inihayag nito na una na niyang ipinanukala ang pagrerebyu  sa kasunduan sa pagitan ng UP at Department of National Defense (DND) na nagsasaad na hindi puwedeng pumasok ang mga sundalo at pulis sa UP campuses ng walang koordinasyon.

 Samantalang una nang pinalagan ng mga estud­yante at professor sa UP ang planong deployment ng mga sundalo at pulis na isa umanong uri ng militarisasyon para mapigilan ang recruitment sa mga estudyante ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa UP campus gayundin ang kriminalidad.

 Naniniwala naman si de Vera at Albayalde na masyadong malaki ang UP Diliman sa Quezon City at UP Los Baños campuses para imonitor ng UP Police.

“They (UP Police) are not intelligence trained, they don’t even have a police power to investigate and to file cases. It’s only the PNP which has that powers,”  ayon kay Albayalde kaya mas nangangailangan ang mga ito ng tulong ng security forces ng pamahalaan.

 

Show comments