^

Metro

Modus ng ‘palit-pera’ buking, kelot timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulilyaso ang modus ng isang lalaki na “palit-pera” nang dakpin ng mismong pulis na kanyang biniktima sa Sta. Mesa, Maynila.

Mismong si P/Capt.Pidencio Saballo  ang umaresto sa suspek na si  Renando Esteban Santos, 49 , ng Unang Hakbang, Galas Quezon City sa kanyang bahay dakong alas-9 kagabi matapos matunton sa pamamagitan ng pinagdugtong-dugtong na kuha ng CCTV ng barangay.

Nauna rito, bumili ng dalawang mango shake ang suspek sa Mr. Mango Altura branch sa Sta. Mesa at nagbayad ng P1000.

Maya-maya at agad pinakansel ang kanyang order kaya ibinalik naman sa kanya ang ibinayad na P1K.

Gayunman, sa bilis ng kamay sa pagpapalit ng pera, agad niyang napalitan ang 1,000 ng 100 at sinabi sa cashier na yun lamang ang naibalik sa kanya.

Wala namang nagawa ang cashier at muling binigyan ng P1k ang suspek na noon ay napabili uli ng mango shake saka umalis lulan ng kanyang motorsiklo.

Lingid sa kaalaman ng suspek, ang pulis na si Saballo pala ang may-ari ng Mr. Mango Altura kaya agad na inalam ang pagkakilanlan ng suspek sa pamamagitan ng kuha ng CCTV.

Inamin din ng suspek na ginaya lamang niya ang naturang modus sa mga napapanood niyang video sa internet kung saan umabot nsa 18 tindahan ang kanyang nabiktima.

Dinala ni Sabillo ang suspek sa Labores PCP at sinampahan ng kasong estafa.

Ang “palit-pera” modus ay sinasabing isa ring uri ng Budol-Budol at switching.

 

vuukle comment

MODUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with