48 barangay sa QC, drug cleared na!

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 48 barangay sa Quezon City ang naideklarang drug cleared barangay ng Quezon City Anti-Drug Abuse and Advisory Council (QCADAAC) ngayong Hunyo.

 Nasa  18 barangay  ang nadagdag sa dati ng naunang 30 barangay na cleared barangay sa paggamit ng illegal drugs.

Ang 18 na mga bagong drug  cleared barangay sa illegal drugs ay ang barangays  Central, Immaculate Concepcion, Talayan, Paraiso,Escopa II, Quirino 3A, Pinagkaisahan, Sacred Heart, Teachers Village West, Bagumbuhay, Loyola Heights, Milagrosa, Quirino 2A, Quirino 2 B, Silangan, Villa Maria Clara, West Kamias at South Triangle.

Ayon kay QC Mayor-elect Joy Belmonte, chair ng QCADAAC na ang patuloy na pagkakaroon ng mas maraming cleared barangay sa lungsod ay pagpapatunay lamang na epektibo ang mga programang naipapatupad upang mapagtagumpayan ang kampanya laban sa  illegal drugs.  

Show comments