^

Metro

3 mag-uutol huli sa buy-bust sa Taguig

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
3 mag-uutol huli sa buy-bust sa Taguig
Sa naantalang ulat, nakilala ang mga nadakip na mag-uutol na sina Jerwin Mendiola, 39; Jorge Mendiola, 41; at Epitacio Mendiola Jr., 48; na mga pawang residente ng Gen. Natividad St., Palingon-Tipas, Taguig City, ay nahuli ng mga kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid, kasama ang tatlong iba pa ang natimbog sa isang buy-bust operation kung saan nakuhaan ng nagkakahalagang P20,000 na droga ito sa sarili nilang tahanan sa Taguig City. 

Sa naantalang ulat, nakilala ang mga nadakip na mag-uutol na  sina Jerwin Mendiola, 39; Jorge Mendiola, 41; at Epitacio Mendiola Jr., 48; na mga pawang residente ng Gen. Natividad St., Palingon-Tipas, Taguig City, ay nahuli ng mga kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes. 

Kasama rin sa dinakip sina Arjuna Cruz, 39; Andrew Victor Arcega. 37; at Mark Lester Magbalana.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay nakuhaan ng labing-isang sachet ng shabu, na nagkakahalaga ng P20,400.

Sinampahan na sila ng kaso bilang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sinasabing kaanak umano ang mga nadakip ng mga kumakandidato sa lokal na posisyon sa lungsod.

Ang ilan pang personalidad na naaresto dahil sa ilegal na droga sa Taguig noong mga nakaraang taon ay napabalitang miyembro rin ng political family sa lungsod.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with