Prinisinta ni NAIA Customs District Collector Mimel Ta-lusan ang nasa P2 milyong halaga ng mga ilegal na droga na nasabat sa iba’t ibang pakete buhat sa iba’t ibang lugar.
Kuha ni Rudy Santos
P2-M illegal drugs, nasabat sa bodega sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa P2 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng illegal drugs ang nakumpiska ng NAIA Customs sa magkakahiwalay na mga pakete sa isang bodega ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino International Air­port (NAIA).

Sinabi ni NAIA Customs Collector Mimel Talusan, unang sinamsam ng mga tauhan niya ang isang envelop mula Bahrain na naglalaman ng 0.27 kilo gramo ng shabu na nakapangalan sa isang Abraham Salas Jr., ng Bulacan.

Nakumpiska rin ang may .54 kg na ecstasy na nagkakahalaga naman ng P1.7 milyon na nakalagay sa isang printer machine at nakapangalan sa isang alyas Christian Chan, ng San Juan Metro Manila.

May dalawang shipment naman na marijuana na may tatak na ‘hemp gummy’ candies dried leaves na idi­neklarang pancake mix at lotion na galing ng America na nakapangalan sa isang Steven Marple ng Antique at Betty lu, ng Cagayan de Oro City ang nasabat din.

Samantala, ang 0.135 kilo grams naman na cocaine ay nahuli rin ng customs na idineklara naman laruan galing US, na nakapangalan sa isang alyas Jose Maristela ng Makati City.

Napag-alaman na ang mga naturang ilegal na droga ay nasabat ng mga tauhan ni Talusan matapos pagdudahan ang mga shipments kaya naman nanigurado sila at tumawag ng K9 drug sniffing dogs ng PDEA at idinaan ang mga epektos sa x-ray machine ng Customs. Lordeth Bonilla

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with