^

Metro

Ruta sa parada ni Catriona Gray, kasado na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalatag na ang ruta ng “homecoming parade” ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na daraan sa mga parte ng lungsod ng Pasay, Makati at Maynila sa darating na Pebrero 21.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad sila ng “stop-and-go traffic scheme” sa mga daraanang kalsada upang magbigay-daan sa parada.

 Higit sa 200 traffic enforcers din ang nakakasa na magbantay sa mga ruta ng parada upang magmando ng trapiko.  Lilinisin ng ahensya ang lahat ng mga sasakyang iligal na nakaparada at iba pang obstruksyon sa mga daan sa ruta.

Kabilang sa mga kalsadang daraanan ng parada na mag-uumpisa ng alas-2 ng hapon ang JW Diokno Boulevard, Atang Dela Rama (CCP Complex), Vicente Sotto Street (CCP Complex), Roxas Boulevard, TM Kalaw Avenue, Taft Avenue, Sen. Gil Puyat Avenue (Buendia) at Ayala Avenue.

Nanawagan ng kooperasyon ang MMDA sa mga moto­rista at publiko habang hiniling rin ang hinahon at pasensya sa mga maaabala ng motorcade na para naman umano sa pagbibigay-pugay sa ating Miss Universe na nagbigay ng karangalan sa bansa.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with