Anti-drug youth force, pinalakas sa QC
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasunod ng kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga, patuloy si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pag­bibigay ng suporta sa libu-libong mga miyembro ng ‘Barkada Kontra Droga’ (BKD) na isang anti-drug youth force sa lungsod.

“If we want to create a drug-free and drug-resis­tant city, we have to focus on our young people. Through ‘Barkada Kontra Droga’, we will make sure that the leaders of our next generation will be the first ones to adopt and sustain a drug-free lifestyle,” sabi ni Belmonte, na nagsisilbing chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC).

Katuwang ang Department of Education (DepEd) at ang mga paaralan sa QC, isinusulong ng BKD ang partisipasyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng organisadong grupong kumokontra sa paggamit sa ilegal na droga.

Sa ngayon ang BKD  ay may kabuuang 8,653 na rehistradong miyembro mula  lamang noong Nobyembre 2016 hanggang nitong Marso 2018.

Ang mga miyembro ng BKD sa Quezon City ay lu­malahok sa mga seminar, information campaign, at mga training program sa pakikipagtulungan ng mga guro, mga pamilya, at iba pang mga sektor upang maipalaganap ang impormas-yon tungkol sa mga batas laban sa droga.

Bukas ang programa sa mga mag-aaral at kabataan na may edad na 12 hanggang 25 taong gulang.

“We’re happy to see young people becoming role models for their own communities here in the city, sa programa, nalalaman nila ang batas kontra droga at ang mga maaari nilang gawin upang masugpo ang paggamit ng droga sa kanilang mga barangay,” dagdag ni Belmonte.

ILLEGAL DRUGS JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with