Pasilidad ng BuCor dapat mailipat sa loob ng tatlong taon-Faeldon

Sa isinagawang pagha-rap ni Faeldon sa mga opisyal at tauhan ng BuCor matapos ang isinagawang flag raising ceremony kahapon, sinabi nitong bilang direktiba ni Pa­ngu­long Digong at sa mandato ng BuCor Modernization Act 2013 kailangan nang ma-i­lipat ang lahat ng pasilidad ng tanggapan.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dapat nang mailipat sa loob ng tatlong taon ang lahat ng pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang inihayag ng bagong upong director gene­ral ng BuCor na si Nicanor Faeldon.

Sa isinagawang pagha-rap ni Faeldon sa mga opisyal at tauhan ng BuCor matapos ang isinagawang flag raising ceremony kahapon, sinabi nitong bilang direktiba ni Pa­ngu­long Digong at sa mandato ng BuCor Modernization Act 2013 kailangan nang ma-i­lipat ang lahat ng pasilidad ng tanggapan.

“Ang BuCor sa Muntinlupa ang kailangang mailipat sa loob ng tatlong taon, dapat wala na kami rito”, pahayag ni Faeldon.

Ang naturang property    na iiwan ng BuCor sa Muntinlupa City, na tinatayang nasa 300 ektarya ay magiging bagong commercial business district, na gaga­mitin ng pa­ma­­halaan para maka-generate  ng pondo”, dagdag pa nito.

Bagama’t nilinaw nito na hindi ipagbibili ang naturang property kundi pauupahan lamang.

Wala pa namang linaw kung saang lugar lilipat ang tanggapan at ang saklaw nitong National Bilibid Prison.

Napag-alaman na ang NBP ay nakatayo sa Muntinlupa City noong pang 1940.

Show comments