3 itinumba ng tandem sa Taguig
Namatay noon din sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Jennifer Gerona, 30 at ka-live in nito na si Jomar Marinay, 27 at Reyell Bensuto, kapatid ni Gerona, pawang residente ng NP Cruz Ibayo, Brgy. Ususan ng nabanggit na lungsod.
3 itinumba ng tandem sa Taguig
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang tatlo katao kabi­lang ang mag-live-in partner  nang pagbabarilin ng riding in tandem na pumasok sa loob ng kanilang tinitirhan sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Namatay noon din sanhi  ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang  bahagi ng katawan  ang mga biktimang sina Jennifer Gerona, 30 at ka-live in nito na si Jomar Marinay, 27 at Reyell Bensuto, kapatid ni Gerona, pawang residente ng NP Cruz Ibayo, Brgy. Ususan ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up opertation ang pulisya hinggil sa insidente at ina­alam sa ang pagkakakilan-lan ng mga suspect.

Sa inisyal na ulat na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, naganap ang insidente  alas-5:55 kahapon  ng umaga sa loob ng tinitirhan ng mga biktima sa naturang lugar.

Sa pahayag ng isang saksi, nakaupo sa labas ng bahay si Reyell at ito ang unang pinagbabaril ng mga suspect na kaagad nasawi.

Pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay ang mga suspect at ang niratrat naman nila ay ang dalawa pang biktima na natutulog naman sa loob ng bahay na kaagad ring nasawi.

Nang makumpirmang wala nang buhay ang tatlo, mabilis na tumakas ang mga suspect na sakay ng motorsiklong walang plaka.

Ayon sa pulisya tinitingnan din nila ang anggulo ng illegal drug matapos na makatanggap ng report na nasa drug watclist ng barangay ang mag-live in, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.       

KILLED BY RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with