^

Metro

2 pulis suma-sideline sa escort, sibak sa pwesto

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 pulis suma-sideline sa escort, sibak sa pwesto
Bago sinibak, nakatikim muna ng sermon kahapon mula kay General Eleazar sina PO2 Ralp Curibang Tumanguil, nakatalaga sa Parañaque City Police Community Precinct (PCP) 7 at PO2 Jay Pastrana Templonuevo, nakatalaga naman sa NCRPO.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Sinibak sa pwesto kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang dalawang pulis na sumira sa side mirror ng isang taxi sa Pasay City.

Bago sinibak, nakatikim muna ng sermon kahapon mula kay General Eleazar sina PO2 Ralp Curibang Tumanguil, nakatalaga sa  Parañaque City Police Community Precinct (PCP) 7 at PO2 Jay Pastrana Templonuevo, nakatalaga naman sa NCRPO.

Ayon kay Eleazar, naganap ang insidente alas-11:00 ng umaga noong Oktubre 19, 2018 sa  Andrews Boulevard, Pasay City.

Sakay ang mga pulis sa motorsiklo habang naka-escort ang mga ito sa isang negosyanteng Korean national mula sa Parañaque City na walang proper clearance sa pamunuan ng PNP.

Habang binabagtas nila ang naturang lugar ay nasagi at tinapik at tuluyang nawasak ang side mirror ng taxi na pinapasada ni Joseph Curioso Barreno hanggang sa i-upload nito sa social media (facebook) ang video, na nag-viral.

Ang naturang mga pulis ay nahaharap sa kasong kriminal at administratibo at kaagad na ipinag-utos ang pagsibak sa mga ito sa kanilang pwesto habang iniimbestigahan.

vuukle comment

COP ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with