2 most wanted rapist, timbog

Nasa custody ngayon ng Makati City Police ang mga akusadong sina Louie Añonuevo Guevarra, 46, isang construction at ang parking attendant na si Renato Leal Cipriano, 64.
File Photo

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang rapist na itinuturing na ‘top 2  most wanted’ criminal kabilang ang isang lolo at isang may 98 counts na kaso kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nasa custody ngayon ng Makati City Police ang mga akusadong sina  Louie Añonuevo Guevarra, 46, isang construction at ang parking attendant na si Renato Leal Cipriano, 64.

Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director Senior Superintendent Eliseo Cruz, nadakip si Guevarra ng operatiba ng Makati City Police Warrant and Subpoena Section sa tinitirhan nito sa Rodil St., Brgy. Carmona sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 136 Presiding Judge Rico Sebastian Liwanag  dahil sa 989 counts ng kasong rape. Alas-9:05 kamakalawa ng gabi nang madakip si Cipriano  sa tinitirhan nito sa nabanggit na lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 3-FC Presiding Judge Robert Victor C. Marcon.

Kapwa walang nirekomendang piyansa ang korte.

Show comments