Problema sa towing, parking sa Maginhawa St., reresolbahin ni Joy B

MANILA, Philippines — Reresolbahin ni QC Vice Ma­yor Joy Belmonte ang isyu sa towing sa Maginhawa Street sa UP village, isa sa tou­rism food hub sa lungsod sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

“When customers park to eat along Maginhawa Street, they find that their cars are already gone when they finish. They were not warned that their cars were going to be towed,” pahayag ni Belmonte.

Ang Maginhawa St. ay binansagang “Maginhawa Food and Culture Hub dahil mara-ming mga kakaibang kainan at modernong restawran, hip cafes, bars, food parks na nakapalibot dito na paboritong tambayan ng mga “millennials”.

Gayunpaman, nangangamba si Belmonte sa pagbaba ng turismo dito dahil sa ilang mga “towing incidents” at isyu sa parking sa lugar. 

“Since we are marketing the area as a tourist destination, it’s not good that it has become notorious for towing. This is why we talked to MMDA ,” dagdag ni Belmonte

Noong July 20, nakipag-ugnayan si Belmonte kasama si Konsehal Oliviere T. Belmonte - Committee on Transportation Chairperson, kay MMDA Task Force Special Operations Commander Edison Bong Nebrija at sa mga may-ari ng mga restawran sa nasabing lugar para sa pag-aayos sa problema. 

Higit pa rito, nagbigay ng “position paper” ang mga negosyante at mga residente ng Maginahawa sa MMDA tungkol  sa pagpapaliban ng paghatak ng mga sasakyan sa kalye hangga’t masabihan ang may-ari ng mga sasakyan.

Matapos ang pag-uusap, pinag-aaralan ngayon ng Sangguniang Panlungsod ang pagkakaroon ng isang ordinansa at kabilang sa mga plano ng konseho ang pagtayo ng isang parking lot para sa nasabing lugar. 

Show comments