^

Metro

8 pulis, 4 bumbero sugatan sa bayolenteng raliyista

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
8 pulis, 4 bumbero sugatan sa bayolenteng raliyista
Nilapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang mga tauhan ng Manila Police District-District Mobile Force Battalion (MPD-DMFB) at ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos silang maghain ng reklamo sa General Assignment and Investigation Section (GAIS) laban sa mga miyembro ng Migrante, Karapatan, Anakbayan, Anakpawis, Kabataan party list, Gabriela na pawang nagmula sa Southern Tagalog.

MANILA, Philippines — Walong pulis at apat na bumbero ang nasugatan matapos na silang tamaan ng mga bato na ipinukol sa kanila ng nasa higit 300 ba­yolenteng raliyista na nagsagawa ng kilos-protesta sa tapat ng US Embassy, sa Roxas Blvd., sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang mga tauhan ng Manila Police District-District Mobile Force Battalion (MPD-DMFB) at ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos silang maghain ng reklamo sa General Assignment and Investigation Section (GAIS) laban sa mga miyembro ng Migrante, Karapatan, Anakbayan, Anakpawis, Kabataan party list, Gabriela na pawang nagmula sa Southern Tagalog.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsimula ng   programa sa Plaza Ferguzon sa northbound ng Roxas Blvd. ang mga raliyista at bandang alas-6:00 ng gabi nang puwersahang tumulak na makalapit sa harapan ng US Embassy kaya napilitan ang mga tauhan ng Civil Disturbance Management (CDM) na harangan sila.

Dito na nagkainitan hanggang sa pagbabatuhin ng mga raliyista ang mga pulis gamit ang mga stick at bato at inaagawan pa ng kanilang kalasag upang tamaan.

Hindi naman nagpatinag ang hanay at tauhan ng CDM sa kabila ng pagiging bayolente ng mga militante hanggang sa tuluyan na silang maitaboy dakong alas-6:30 ng gabi.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT MOBILE FORCE BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with