Best in disaster management sa NCR, nasungkit uli ng Quezon City

MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon, naparangalan ulit bilang pinakamahusay sa  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ang Quezon City sa  disaster mitigation, response, at recovery sa buong National Capital Region (NCR).

Ang QC ay nangunguna bilang  Highly Urbanized City DRRM Council at Government Emergency and Response Management Service category ngayong 2018.

Ang parangal ay naipagkaloob ng  2018 Regional Gawad KALASAG Search for Excellence on DRRM and Humanitarian Assistance na inorganisa ng Office of Civil Defense – NCR - Department of National Defense.

Ang QC’s Barangay Sto. Cristo ang ikatlong napili bilang Best Urban Barangay DRRM Committee category samantalang ang Melencio Castelo Elementary School sa Barangay Payatas  ang nakabuslo ng 2nd spot sa Public Elementary School category.

Unang sumali ang QC sa  KALASAG awards noong 2016 at agad naparangalan bilang number 1 sa  Metro Manila.

Noong  2016 at 2017, ay 2nd ang QC sa  National Gawad KALASAG search.

Show comments