^

Metro

1 preso tigok sa Pasay, 7 pa na-ospital

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa sobrang pagsisiksikan at nakakasulasok na amoy, isang preso ng Pa­say City Jail ang nasawi habang pito pa ang isinugod sa pagamutan makaraang pawang himatayin, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang 35-anyos na si Domingo Delos Santos, nakulong dahil sa kaso sa iligal na droga habang nasa maayos na kundisyon na ang pito pang preso.

Sa ulat ng Station Inves­tigation and Detective Ma-nagement Bureau, alas-10:30 ng gabi nang bulabugin ng higit 100 bilanggo ang natu­rang piitan upang tawagin ang pan­sin ng mga bantay ng bi­langguan dahil sa pagkahimatay ng walo nilang kasamahan.

Agad namang rumesponde ang Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at isinugod sa naturang pa­gamutan ang mga inmates ngunit hindi na umabot ng buhay si Delos Santos na inatake sa puso.

Ayon kay P/Chief Insp. Wilfredo Sangel, hepe ng SIDMB, nasa 30 preso lamang ang kapasidad ng kanilang bilangguan ngunit umaabot na sa 143 ang nakaditine dito.  Bukod kasi sa mga nahuhuli ng SIDMB, dito rin ikinukulong ang mga nahuli sa kasong iligal na droga at maging sa mga paglabag sa ordinansa ng lungsod kaya napakatindi ng siksikan.

Sumabay pa ang pag-init ng panahon kaya nagresulta ito ngayon ng pagkakasakit ng mga bilanggo at pagka­kahawaan dahil sa hindi na matutukan ang kanilang sanitasyon.

Ganito rin ang nangya­yari ngayon sa iba pang mga bilangguan kung saan isa ring preso ang nasawi naman sa Caloocan City Police Detention Center kamakailan dahil rin sa pagkakasakit dulot ng siksikan.

vuukle comment

PA­SAY CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with