17-anyos tinarakan sa dibdib, utas
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 17-anyos na binatilyo matapos itong saksakin sa dibdib ng isang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Jeric Bacoy, nakatira sa  Ele­phant St., Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Eduarte Carable, 31, nakatira sa nasabing lugar.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi sa Elephant St., Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at sa kasagsagan ng komprontasyon ay  bumunot ng patalim ang suspect at inundayan ng saksak ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pananaksak  ay mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na patalim. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with