Bading patay sa heat stroke

MANILA, Philippines -  Isang 46-anyos na uma­no’y bading ang natagpu-ang patay sa gilid ng Intramuros Golf Course sa Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Pempenia Ampo, isang palaboy na bading.

Sa ulat ni SPO1 Bernar­do Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng umaga ng matagpuang nakahandusay sa estero sa gilid ng golf course sa bahagi ng Sta Lucia St. sa Intramuros ang biktima na pinaniniwalaang namatay sa heat stroke o nahulog mula sa pader.

Nabatid sa imbestigasyon na madalas umanong makitang lasing at natutulog sa gilid ng mataas na pader, na may taas 5 hanggang 6 na talampakan ang nasawi.

Ayon sa isang Ramil Ano­ta, 47, namataan niya ang biktima na hindi gumagalaw at may lumalabas na dugo  sa bibig at ilong.

Wala naman nakitang mga sugat ang bangkay na posibleng wala namang naganap na foul play.

Show comments