^

Metro

Preso nakapuga sa MPD Station 9

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinaghahanap ng pulis-ya ang isang preso na nakatakas sa Manila Police District-Station 9 nang lagariin umano ang rehas habang agad namang nadakip ang kasama nito, kamakalawa ng madaling araw.

Nabatid na mula sa tanggapan ng General Assignment and Investigation Section (GAIS) ng MPD na inilipat ng kulungan mula sa Stn. 9 patungo sa bakanteng opisina ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa MPD headquarters sa UN Ave, Ermita, Maynila, ang mga presong sina Leo Celis, 29, ng no. 1661 Onyx St., San Andres Bukid, Maynila na inaresto noong nakalipas na Enero 20 dahil sa paglabag sa Article 11 Section 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs at Denden Tanjli, 22, ng no. 2216 Adriatico St., Malate, Maynila na may kasong Theft. Mabilis namang nadakip si Celis.

Napansin na lamang ng duty jailer na si PO2 Gregory Bago, nakatala­ga sa MPD-Stn. 9 dakong alas-4:45 ng madaling araw ka­makalawa (Marso11), nasira na ang rehas kaya agad niyang ipinaalam sa MPD-GAIS. Iimbestigahan at nakatakdang sampahan ng reklamong adminis­tratibo at kriminal dahil sa kapabayaan.

Nang hanapin ang dalawa sa isinagawang operas­yon, agad namang nahuli si Celis habang si Tanjli ay hindi pa natatagpuan.

Kasalukuyan umanong kinukumpuni ang maliit na kulungan sa MPD-Stn. 9 kaya inilipat sa iba’t ibang  piitan ng MPD ang mga preso.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with