Kelot nag-amok, utas sa parak

MANILA, Philippines -  Bulagta ang isang hindi pa kilalang lalaki nang mag-amok  at maghamon ng away sa mga taong dumaraan habang may hawak na patalim  sa P. Burgos  St., malapit sa Finance Road, sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang inilarawan sa edad na 30-34, payat, nakasuot ng camouflage na shortpants, walang pang-itaas na damit at nasa 5’3 ang taas.

Sa ulat ni PO3 Ricky Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang mabaril ang biktima sa nasabing lugar.

Isinumbong umano ng mga taong dumaraan kina PO2 Josue Ledesma at PO1 Reymart Cuvinat ng Lawton Police Community Precinct (PCP) ang nagwawalang lalaki na may hawak na patalim.

Nang respondehan, sinubukang lapitan at pasukuin ang lalaki subalit sila ay inatake ng patalim kaya napilitang barilin  siya ni Cuvinat sa katawan.

Show comments