^

Metro

Gambian national inaresto sa on-line money scam

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ahen-te ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Gambian national na gumagamit ng online para makapangotong gamit ang pangalan ng ahensya sa isinagawang operasyon kamakalawa sa  Las Piñas City.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang suspek na si  Yusupha Bayo,alyas KC/Katchi, 35, binata ng Banjul, Gambia, West Africa na hinihinalang miyembro ng African Drug Syndicate (ADS) at naninirahan sa Pilipinas simula noong March 2013 na kung saan ay mayroon itong dalawang anak sa kanyang kinakasama mula Camotes,Cebu.

Bago isinagawa ang ope­rasyon ay nakatanggap ang PDEA ng mara-ming reklamo mula sa mga pribadong mamamayan hinggil sa kahinahinalang electronic mails na umano’y nagmumula mismo kay La­peña na humihingi ng kabuuang P21,400 kapalit ng anti-drug clearance fee. 

Nitong February 22,2017, isang walk-in informant ang lumutang sa PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) sa pamumuno ni Director Randy Pedroso at ini-report ang tungkol sa serye ng  electronic mails na kanyang natanggap mula kay  Director General na humihiling ng magdeposito siya ng halagang P21,400 sa hindi mabatid na bangko o   il­ipat ito sa isang internatio-nal money transfer service.             

Ang potensyal na biktima ay nakatanggap ng umano’y notice mula sa isang fo-reign remittance officer ng Central Bank ng Syria na nagpapabatid sa kanya na ang $2 million US dollars ay matagumpay na nai-transfer sa kanyang bank account sa anyo ng inheritance fund.

Àng pagkabigo na bayaran ang clearance fee ay nangangahulugan na maaari siyang maaresto bilang  suspected drug personality at money launderer. 

Dakong ala-1:27 kama-kalawa ng hapon ay nadakip si Bayo ng PDEA-IIS habang kinukuha ang pera na pinadala sa pamamagitan ng isang local remittance center sa Almanza Metropolis Condominium, Manila Doctor Village, Las Piñas at nang kapkapan ay nakuha ang isang  plastic sachet na naglalaman ng rectangular tablet na hinihinalang iligal na droga at isang mobile phone.            

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dange-rous Drugs), Article II, of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Hiwalay pa ang kasong paglabag sa identity theft at usurpation of authority na isinampa sa korte laban sa kanya.

Pinaalalahanan din ni Lapeña ang publiko na agad na i-report ang anumang panloloko o  scam na mula sa internet gamit ang ahensya. Ang reklamo ay maaa-ring iteks sa PDEA 24/7 Hotlines: 09998887332, 09255737332 at 09279150616 o tumawag sa PDEA Hotlines:  (02) 920-0735 and (02) 920-0736.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with